Saturday, October 29, 2005

BaNgEnGe

grabe! nitong mga nakaraang araw, sobrang borlogs ako sa office pag break ko. eh kasi nag-OT ako kahapon tsaka ngayon. 4hrs din yon. minsan lang yon mangyari sa account namin kaya naki-OT na rin ako. dagdag-sweldo sa nov 15 :)

kaya lang, kapalit naman non eh syempre kulang na ko sa tulog kasi halos 3hrs din ang byahe ko balikan. buti na lang off ko na ngayon. matutulog lang ako. tapos kakain. tapos tulog ulit. oh di ba? pano ba naman ako hindi tataba hehe :)

gusto ko sana gumimik later kaya lang, horror episode mamaya sa MGB eh. manonood ako. alala ko pa dati na sobrang matatakutin mga kapatid ko nung mga bata pa sila. gusto ko pa nakapatay ang ilaw pag manonood kami ng nakakatakot kasi gusto ko silang lalong takutin. hahaha! ngayon, subukan nilang magpatay ng ilaw at uupakan ko sila hehe.

anyways, dito na lang muna ulit. sobrang antoks na ko eh. bangenge na talaga. feeling ko lumulutang ako sa antok.

sa susunod ulit!

ingatz kayong lahat!

xoxo

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home