Tuesday, April 08, 2008

Updates! Updates!


jeremy
Originally uploaded by Nostalgic Girl
hey y'all!

i'm back and i can't believe this is my first entry for April. I hope everybody's doing fine and I'm sure you are all planning for summer getaways or something. it's suuuuper hot kasi as in effing hot! napipilitan tuloy akong maligo hahaha! joke lang ha! naliligo naman ako pag bday ko! hahaha! tama na nga at baka maniwala na kayo :P

anyways, si Pinchy magwa-1yr and 4mos na this april. naku pinakalbo ko kasi ang haba ng hair nya tsaka nagkaka-bungang araw na sya sa init. tapos nahirapan din yung barber sa paggupit sa kanya kaya yun, sabi ko i-semikalbo na lang. at syempre ang tatay, nainggit sa dyunakiz. ayun, pareho silang bokal :D

--

ako naman nagka-allergy na ko sa init at pawis :( naku, malaki rin ang nagastos ko sa mga gamot pero ok na rin. sobrang hirap kaya nun. as in nangati buong katawan ko and nagka-rashes. siguro mga almost 2wks akong ganun. buti na lang unti-unting nawala pero ngayon i just make it a point na di ako pawisan or maarawan kasi yun nagti-trigger ng rashes. minsan na lang ako mangati at basta merong electric fan (aircon nga for life dapat ang sabi ng derma!) na nakatutok sa mukha ko, solb na :)

--

finally matutuloy na ata ang much-awaited get together namin ng Mean Girls. tentative date ng dinner namin is on april 18. sana sa trinoma na lang para malapit pero bahala na kung san tutal meron namang hush si apol. lola, pasakay ha! excited na ko! shirlz, me utang kang kwento hehe. une, ano na updates sa wedding plans nyo ni dennis?

i'll see you girls real soon!

--

hay kelangan ko ng maraming pera. yung kasya pang-la union tapos after swimming namin dun diretso baguio na. saya, db! plan namin yan and sana nga magka-budget kasi syempre i want to bring along my family. kami pa lang ni bong ang nakapunta sa baguio eh. makalayo man lang pansamantala sa sobrang init dito sa manila. first time ni pinch nun if ever sa baguio and for sure magugustuhan nya kasi pawisin iyon tsaka baka sakaling magamit nya jacket and jogging pants nya kasi baka makalakhan na nya di man lang nya naisuot once hahaha! grabe, ang bilis lumaki ng baby ko. mabigat na sya kargahin buti kaya pa ng taga-alaga nya. kaloka hehe!

--

o sya, dami kong kwento hehe. pambawi lang kasi sobrang di ko na nabigyan ng atensyon ito. sa mga susunod na araw, dadalasan ko na ulit ang pagpo-post.

take care everyone!

xoxo

--

p.s. i love you dadi and pinchy!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home