Tuesday, May 10, 2005

kupad me

haaaay... muntik akong ma-late kanina...as in!

10pm ang start ng shift ko pero 9pm eh nasa bahay pa ko...paikot-ikot pa sa harap ng salamin. nakailang palit na rin ng damit, di ko pa rin madesisyunan kung ano talaga isusuot ko...nung una, gusto ko yong puting blouse kasi nga naman mainit. aba, nung sinuot ko na, nahalata ang bilbil ko! waaah! tumataba na naman ako. badtrip talaga! muka tuloy akong laging busog hihi :P

pagkatapos, sunod kong isinuot yong kulay pula. naku! mainit to sa katawan, medyo makapal pa ang tela. anyways, bihis ulit ako. by this time, naliligo na naman ako sa pawis. tsk. kaliligo ko lang eh mainit na naman.

huli kong isinukat yong isa kong blouse na minsan ko pa lang naisusuot. feeling ko tutuksuhin ako pag nakita nila kong suot ko to pero dedma na. mainit eh. isa pa, late na! di na pedeng mag-try ng isa pang damit hehe.

bahala na si batman :P

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home