pasko! pasko!
grabe, ilang tulog na lang...PASKO NA!!!isa to sa mga inaabangan ko bawat taon. kasi syempre pede ako mag-shop ng walang makikialam kasi pasko nga eh. bibili ako ng gifts (palusot!) hihi :)
seriously, i love christmas. birthday kasi ni Jesus.
nung bata pa ko, gusto ko lagi pasko kasi ibig sabihin non, bagong damit, sapatos tsaka merong handa. lam nyo naman kami, di naman kami mayaman. kaya ayon, tuwing pasko at birthday ko lang ako merong mga bagong gamit unless sobrang sira na yong sapatos ko, ayon bibilhan naman ako.
nung nag-aaral na ko, gusto ko ang pasko kasi ibig sabihin non, sembreak na. di ko muna makikita ang terror kong professor. makakagising na ko sa umaga kung anong oras ko gusto. di muna ko mag-aalala ng assignments at quizzes. oh di ba, rest to the max talaga.
tapos nitong nagtatrabaho na ko, nag-iba na pananaw ko. kahit di marami ang pagkaing nakahanda, kahit wala masyadong regalong bubuksan, ok lang sa kin. keri na. ang importante, kasama ko ang pamilya k0. kasi di ba maraming mga tao na dahil alang handa, nalulungkot na. di raw nila feel ang pasko. wala lang. sana lumalim pakahulugan nila sa pasko. di lang yan nakukuha sa handa, mga bagong damit, at mga regalo. magandang panahon to para magpasalamat sa blessings na natatanggap natin (pero dapat nga araw-araw tayong nagte-thank you kay Jesus eh). tsaka yon na lang nagigising ka araw-araw eh di pa ba sapat na regalo galing ke Jesus? :)
next week nga pala, mamimili na ko ng gifts. ala kasing time ngayon. last year nov pa lang ata tapos na ko hehe. pero ngayon kasi nagkasakit ako kaya rest muna.
o sya, mahaba na ito. 'gang sa muli :)
xoxo
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home