Thursday, September 28, 2006

my baby's moving!

grabe, madalas na gumalaw baby ko ngayon. as in ramdam ko na presence nya sa tummy ko :)

mas madalas sya gumalaw pag watch ako ng discovery tsaka animal planet. sunod-sunod galaw nya. quickening daw tawag dito. saya rin nga daddy nya nung nilagay nya kamay nya sa tummy ko tapos saktong gumalaw. nagpe-pray ako non. before ako matulog, naku katakot-takot na ikot muna sa kama gagawin ko bago ko mahanap ang magandang pwesto. gumagalaw kasi si baby pag di nya type eh. baka naiipit sya hehe :D

anyways, ilang buwan na lang at lalabas na sya. sobrang excited na kami and at the same time, natatakot din kasi duwag ako. waaaah! pero i know, mas lamang ang excitement at kahit ano kakayanin ko para sa baby ko :) pray nga ko lagi na sana walang maging problema pag dumating time ng panganganak ko :)

ayon lang, actually dami ko na na-type kanina eh tapos biglang namatay pc ko. hmmpf! limot ko na mga sinulat ko kanina hehe.

o sya, til next kwento.

tc everybody!

xoxo

p.s. i love you, my babies :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home