Wednesday, April 09, 2008

Ang ineeeet!


DSC01906
Originally uploaded by Nostalgic Girl
Good day!

Sana ok lang kayo kahit na napaka-init ng panahon. kababalik lang namin ni Pinchy and his yaya Nida from grocery. Namili lang ako ng ilang maluluto til mag-sweldo next week. Tagal naman ng sweldo! hehehe :D

Kahapon nasa sm fairview kami, nagpalamig at kumain sa kfc. grabe sobrang na-miss ko yun! syempre pa fully loaded meal ang order ko hahaha! di na nga kami nag-dinner kasi mga 4pm na kami kumain. Pagkatapos kumain, nag-arcade pa kami sa Tom's World. Naka-save na sa card yung mga naipon naming ticket and sobrang 2005 pa ata yung mga yun hehe pero inipon ko nga kasi gusto ko magandang stuff naman ang ma-redeem.

Nagtitingin-tingin ako dun sa counter nila and napansin ko yung gucci watch. Yung pede palitan ang strap and dial. Me extra pang shades. Di ko pinalampas hahaha! 2000 tickets yun eh pero we only had almost 1800 kaya sabi ni Dadi play pa raw kami. At nakuha ko nga yung set! Oh ha! Cutie naman, db. Tingnan nyo yung pic. In fairness, naaliw talaga ko and pagdating ng bahay, mega-try na ko sa lahat ng combination hahaha! Adik!

Sige, kinwento ko lang yun hehe! Back to work muna ko at meron pa ko mga kelangan tapusin.

Sa uulitin!

xoxo

ps. i love you dadi and pinchy!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home