Thursday, December 02, 2004

sIrAnG pLaKa


Haaaay...6:45pm na...malapit na naman matapos ang isang araw.


Mayamaya lang hapunan na...nood ng tv sandali...basa ng paborito kong chapter ng Harry Potter at pag inantok, matutulog na.


Sa araw-araw eh ganito ang ginagawa ko.


Bahay-opisina-bahay ulit.


Minsan parang nakakatamad. Paulit-ulit. Nakakasawa.


Pero teka...kung pakaiisipin natin eh, paulit-ulit lang naman talaga ang buhay di ba? Matutulog tayo, gigising, maliligo, kakain, papasok sa opisina, uuwi, kakain na naman, papahinga, tutulog na naman. Bukas, ganon ulit.


O diba, ROUTINE lang ang buhay.


Kung gusto mo, pwede mong haluan ng ibang aktibidades para maiba naman. Gimik minsan kasama mga kaibigan, punta ng mall, laro ka ng badminton pag alang pasok at marami pang iba.
Tsaka, ang paghinga ay routine din. Kung di natin to gagawin, malamang ala na tayo dito sa mundo hehe...


Haaaay...di bale nang routine ang buhay. Tayo na lang ang bahalang gumawa ng paraan para magkaron ng ika nga eh "spice" ang buhay natin.


Sa mga katulad kong minsan eh nagrereklamo dahil lagi na lang ganon ang ginagawa natin eh, magpasalamat tayo at meron pa tayong pagkakataong ulit-ulitin ang bawat araw sa ating buhay.

Ibig lang sabihin nito, buhay tayo.


O, magrereklamo ka pa ba sa ROUTINE?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home