Pulp Summer Slam 2005
30 abril 2005. Amoranto Stadium. 4NH
excited akong manood ng WW V Summer Slam. nung nakaraang taon nga eh kesehodang mabato ako ng plastic bottle, sige lang. kahit natatamaan ako ng siko nang kung sinu-sino, dedma na. lam ko naman na sa ganong rock concert eh mangyayari talaga yon. kelangan makibagay hihi
this year, in fairview (salitang pam-bading na nakuha ko dito sa seatmate ko hihi), marami na agad tao. sabagay, 4pm na kami nakarating. mahaba ang pila sa entrance pa lang. ala pa kasi kaming tiket ng mga utol ko eh kasama na hipag ko. anyways, sandali lang naman kami naghintay at nakapasok na rin kami.
pagdating sa loob, sobrang dami ng mga tao. pila agad kami para bumili ng tshirt. syempre, para may remembrance man lang. pero nung malapit na ko, nalaman kong wala silang size para sa mga girlash na gaya ko! wtf talaga! pano kaya magkakasya sa kin yong S ng panlalaki. para ko nang pantulog na duster yon sa haba eh hahaha! kahit magreklamo pa ko, wala ring mangyayari so di na ko bumili.
nung pagpunta naman namin sa booth ng globe for the freebie eh sabihan ba naman kaming ubos na. as in until supplies last lang pala ang drama nila. tsk. laki ng company nila tapos bandana lang di pa nila mabigay. buti pa tribal. cool ang banda nila. buti pa pizza hut merong isang slice ng hawaiian pizza. buti pa pepsi, merong isang free (pero last year 2 yon ha), meron ding red horse free na kinuha ng kapatid ko. sulit na rin yong P180 na entrance. isipin mo na lang, daming magagaling na pinoy bands na nandon. inaabangan ko ang spongecola, sugarfree (pero wala pala sila. sayang. gusto ko pa naman pakinggan ng live ang hari ng sablay), kitchie nadal (adik ako ngayon sa kanta nyang same ground) at iba pang up and coming bands.
ito ang mga bandang nakita kong nag-perform:
Jeepney ride
Cog
Wunjo
Orange and Lemons
Sheila and the Insects
Chicosci
Blow
Kitchie Nadal
Spongecola
6cycle mind
Agaw Agimat
POT
Kamikazee
Cheese
Sobrang shocker for me nang makita ko si diether ocampo sa concert. at di lang sya nanood don ha. as in guest sya kasama ang band nyang Blow. sheeesh! dati tinawag nyang jologs ang crowd ng NU eh ang mga tao don eh karamihan yon din ang tao sa nung Pulp Summer Slam. as in puro boo talaga inabot nila. tsk. sayang. in fairview, oks din naman performance ng band nila compared don sa Orange and Lemons. well, opinyon ko lang to. anyways, sana madala na sila. wag na sila bumalik next year. kasi namn eh. taklesa sya. nagbitiw sya ng salitang di maganda. siguro di nya akalain na makakasalamuha nya pa yong mga taong yon.
Moving on, oks din performance ng Spongecola. sobrang nag-enjoy ang bunso kong kapatid na idol ang band na yon. sabay-sabay sa pag-head bang ang mga tao. at ako, kelangan ding tumalon at makisabay para di maipit hehe. oks lang. masaya naman.
maganda rin performance ni kitchie. syempre, masaya ang lola kasi meron na syang sumikat na kanta. last year, andon din sya at medyo di pa sya kilala. run ang sikat nyang song. tapos parang napaluha pa ata sya non kasi after her, tumugtog ang moonstar88. eh sikat din yon. daming pumalakpak sa kanila. siguro nalungkot lang si kitchie. buti na lang iba na ang kwento this year. at ang lola ko, kinanta nga ang same ground. haaaay...me naalala na naman ako...
kwento na nga lang ako ulit hihi...
tumugtog na rin ang agaw-agimat! grabe! tagal ko na silang di nakikita at andon pa rin ang puso nila sa para sa masa. as in yong mga kanta nila, patama pa rin sa gobyerno. taska miss ko na rin yong kanta nilang..."Sabihin man nilang ako ay bata pa..."
haha...pasensya na, di ko na alam yong title eh :P
at syempre, sobra rin akong pinatawa ng kamikazee sa performance nila. as usual, ganda tugtog nila pero mas nakakatawag ng pansin ang mga kalokohan ni jay, vocalist nila. pero meron syang kabastusan ding pinagsasabi hihi. enjoy mga tao pero medyo na-offend ako...hmmm...siguro dahil tumatanda na kasi ako hahaha!
dami pang tumugtog pero di na ko maka-concentrate eh. kasi naman, ang usok ng paligid, talunan ng talunan ang mga tao, merong lasing, merong amoy-pawis. tsk. sari-saring amoy. sari-saring tao. sana lahat kami pumunta don para i-enjoy ang music. sadly, meron pa ring napadpad lang don ng walang dahilan. kala siguro nila ang pagi-slam ay para lang manakit ng tao. or kaya lang me ganon for them to get wasted. lantaran ang pag-smoke ng pot.
haaaay...ano naman kaya ang mangyayari next year. ako, pupunta pa rin. di pa ko nadadala eh. kahit masaktan, sige lang. at least kahit pano nakasama ko rin for one day ang ibang taong interesado rin sa trip ko.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home