Parokya ni Edgar...na naman!
may bago na naman akong encounter with Parokya ni Edgar . Nangyari yon nung June 27. Sakto namang off ko sa trabaho at meron silang gig dyan lang sa 70s Bistro.ayon, ala nga kong balak tumuloy eh kaya lang tong si russell naman, utol ko, gusto raw manood. syempre ininggit ko na sila about sa fontana gig kaya ayon, gusto talagang manood.
punta naman kami. dumiretso na kami after namin mag-mall at ang damit ko, pang-mall lang talaga. as in naka-flip flops at cargo pants and racerback-t ako
hay. oh well, pagdating ng venue di naman pala ko masyadong na-OP . casual lang din damit ng mga tao tsaka maliit lang ang place but cozy. dama mo yong interaction ng bands sa mga tao kasi nga maliit lang ang lugar.
kainis lang kasi unplanned nga yong punta namin so di ko nadala digicam ko . buti na lang me camphone ako. nagamit ko yon to take videos pero alang pics kasi na-batt empty ako.
yong pagpunta ko sobrang memorable kasi nagkaron ako ng chance to make small talks with PnE members. as in lahat sila! saya! hihi! di ko nga lang nasabi name ko kasi na-overwhelm ako.
i'm sure me ibang chance pa. next time, sasabihin ko na talaga name ko kahit di tinatanong hahaha!
nipa-sign ko rin yong vcd nila ng inuman sessions vol. 1. it's a good buy. bili kayo ha! wag pirated hihi!
nice silang lahat sa fans . dapat lang kasi kami ang tumatangkilik sa music nila. tsaka i feel na sincere naman sila. nung pauwi na nga kami eh ask pa ko ni gab (guitars) kung ano raw sasakyan namin hehe pati si buwi (bass) ask din ako kung di ako napagod kakakuha ng video nila . sabi ko namimitig na nga binti ko eh hahaha pero kebs na. makita ko lang sila
haaay! i so like parokya ni edgar . siguro sasabihin ng iba OA na ko, na paroks na lang ata sentro ng buhay ko. well, di naman masyado hehe. la lang. ngayon lang ako todo-suporta sa isang banda and besides, they deserve it. they've been in the business for 10yrs and up to now, sikat pa rin sila. kasi naman, maganda ang music nila. humorous and nandon din ang love nila sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.
o sya. dito na lang kwento ko. pag me chance ako, puntahan ko rin gigs ng ibang local bands. gusto kong mapanood live ang session road, mojofly, hale, sponge cola at iba pa
ingats kayong lahat!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home