Friday, September 29, 2006

blackout!

hay buhay! ala kaming kuryente kagabi. eh syempre, sa bahay lang kami nagwo-work ni pom kaya importanteng merong dsl at kuryente. option is pumunta sa hq namin sa boni at don mag-work. naku, yaw ko pa naman magbyahe at me bagyo nga. although ala masyadong ulan, lakas naman ng hangin nuh! di ko feel matangay :D

anyways, buong luzon pala ang walang kuryente. eh di good! di na kami aalis pero yon nga lang, sayang ang pera. well, ganon talaga. isipin na lang namin na nag-leave kami from work hehe.

to naman si pom kahit alang shift, di makatulog. eh pano, tulog sya maghapon dahil me pasok kahapon. ako naman antoks na kaya kahit gusto ko pa makipagkwentuhan, di ko na magawa. si baby pa sipa ng sipa hehe. hirap humanap ng pwesto makatulog lang.

--

binangungot pa ata ako kagabi. katakot! meron daw babaeng nakaupo don sa may sofa sa tabi ng kwarto namin. hinahawakan nya ko. grabeng pawis ko pagkagising ko. nag-pray na lang ako tsaka lang ako nakakilos.

--

nakatulog din ako ulit pero another dream na naman. nagsuka raw ako sa panaginip. nagising ako dahil ginigising ako ni pom. para raw akong nagga-gag sa pagtulog. takot daw sya kala nya kung ano na nangyari sa kin. haay. dami kong dreams. buti nakatulog pa rin ako after.

--

finally, i woke up mga 6am kanina. before 7am, nagka-kuryente din! pede pa ko mag-shift kasi 4am-12pm naman pasok ko pero pagbukas ko ng pc, ala namang dsl :(

hintay-hintay lang then nagkaron na. nag-in ako mga 7:30-12. keri na. sayang din ang sweldo :)

--

habang naginternet ako, nagulat ako sa biglang sipa na na-feel ko. oh yes! isang malakas na sipa. parang inipon ni baby lahat ng lakas nya at pinaramdam sa kin hihi. saya-saya :)

--

finally, sweldo na tapos off ko pa later! yahoo!

dito na lang ulit!

xoxo

p.s. i love you, my babies :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home