Reyna ng Sablay
yan ako. pano ko nasabi to?ito ang isang halimbawa.
kanina, papasok ako sa trabaho. maaga naman akong nagising. may traysikel naman palabas ng subdibisyon. may bus agad. may oras pa. kahit medyo malayo ang lalakarin ko, siguradong makakahabol ako.
pero naisipan kong bumaba ng cubao. gusto kong sumakay sa dadaan ng crossing ibabaw. la lang. para di 'ika ko malayo at nang di ako masyadong mapagod.
hintay lang ako. makalipas ang 5 minuto, wala pa rin. tsk. pag minamalas ka nga naman. kadalasan maraming bus pero nung oras na yon, wala. grrr! at eto pa, 10 minuto na ang nakalipas, nakatayo pa rin ako.
sa wakas! me bus na! hinabol ko talaga at pinara. nakasakay rin! yon nga lang, 13 minutos na lang at late na ko!
lakad-takbo ako papuntang opisina. *matutuwa mama ko nito kasi nagbi-brisk walking ako. magandang exercise daw yon* dedma ko sa mga nakakasalubong ko kahit merong sumisipol. panget nila! male-late na ko kaya wala kong panahon makipag-away.
pagdating ko sa building, saktong me elev na. at ito ang pinakamaganda sa lahat...5:00:51 am ako nag-in! pramis! di ako na-late!
siguro sasabihin mo, dapat matuwa ako kasi kahit sumablay ako nung umpisa, nakahabol pa rin.
kaya lang, di lang minsan to nangyari. medyo me kadalasan. sablay mga desisyon ko. nandyang magpalampas ng bus kasi mukang luma. meron pang di ko pinara yong traysikel kasi kala ko isasakay ako automatically. di na ko natuto. lagi na lang ganito.
nung inisip ko, di lang pala sa pagko-commute ako sablay. para na rin tong buhay ko. lovelife, in particular. ngayon, nagtataka ko kung bakit wala kong bf. pakiramdam ko napagiwanan na ko. pano kung yong ex ko na di ko pinagukulan ng panahon ang para sa kin talaga at pinalampas ko sya? o baka naman yong isa na mahal na mahal ko pero di naman uubra?
tsk. pampagulo lang ng isip pag ibinalik pa ang nakaraan. kaya nga past eh kasi tapos na.
parang yong nangyari kanina. sa dami ng pinagdaanan ko, nakahabol ako. siguro ganon din ang buhay ko. gano man kadilim ngayon, panigurado liliwanag din to. di pa siguro bukas o sa susunod na buwan. ang totoo, di ko alam kung kelan. pero darating din yon. sure ako dito!
for the meantime, aagahan ko bukas! pipilitin kong wag sumablay.