Friday, December 09, 2005

bataan getaway!!!

actually last nov pa tong bataan trip namin but i forgot to blog about it and of course, to post pictures.

sooobrang layo ng place pero maganda ang view ha. tapos nakita pa namin yong malaking cross sa may mt. samal. di na nga lang kami nakapunta sa actual cross kasi wala sa itinerary.

anyways, we stayed for the night sa power plant compound. di nga lang operational yon kasi ala atang budget ang gobyerno. oks naman yong room namin. malaki yong bahay with 4 rooms. abi and i stayed sa isang room but at the end of the night eh 4 kami don. nakitulog sina krista and venice kasi lasheng-lasheng eh :)

videoke and dance ever ang trip ko. saya-saya namin talaga. tamang 80s ang trip naming kantahin ang sayawin hahaha!

tapos kinabukasan, punta na kami sa eman beach. grabe! ganda rin dito. di naman white sand talaga pero malinis yong sand hahaha tsaka yong tubig. di masakit sa paa kasi buhangin tatapakan. tapos di pa malalim yong tubig. di naman ako matagal nag-stay sa tubig pero grabe ha, umitim pa rin ako.

kung me chance lang, gusto ko bumalik don. pero gud lak sa byahe hehe. basta, gusto ko beach ulit!! swimming! swimming!

later na pics ha. bagal mag-upload sa flickr eh.

xoxo

Monday, December 05, 2005

pasko! pasko!

grabe, ilang tulog na lang...PASKO NA!!!

isa to sa mga inaabangan ko bawat taon. kasi syempre pede ako mag-shop ng walang makikialam kasi pasko nga eh. bibili ako ng gifts (palusot!) hihi :)

seriously, i love christmas. birthday kasi ni Jesus.

nung bata pa ko, gusto ko lagi pasko kasi ibig sabihin non, bagong damit, sapatos tsaka merong handa. lam nyo naman kami, di naman kami mayaman. kaya ayon, tuwing pasko at birthday ko lang ako merong mga bagong gamit unless sobrang sira na yong sapatos ko, ayon bibilhan naman ako.

nung nag-aaral na ko, gusto ko ang pasko kasi ibig sabihin non, sembreak na. di ko muna makikita ang terror kong professor. makakagising na ko sa umaga kung anong oras ko gusto. di muna ko mag-aalala ng assignments at quizzes. oh di ba, rest to the max talaga.

tapos nitong nagtatrabaho na ko, nag-iba na pananaw ko. kahit di marami ang pagkaing nakahanda, kahit wala masyadong regalong bubuksan, ok lang sa kin. keri na. ang importante, kasama ko ang pamilya k0. kasi di ba maraming mga tao na dahil alang handa, nalulungkot na. di raw nila feel ang pasko. wala lang. sana lumalim pakahulugan nila sa pasko. di lang yan nakukuha sa handa, mga bagong damit, at mga regalo. magandang panahon to para magpasalamat sa blessings na natatanggap natin (pero dapat nga araw-araw tayong nagte-thank you kay Jesus eh). tsaka yon na lang nagigising ka araw-araw eh di pa ba sapat na regalo galing ke Jesus? :)

next week nga pala, mamimili na ko ng gifts. ala kasing time ngayon. last year nov pa lang ata tapos na ko hehe. pero ngayon kasi nagkasakit ako kaya rest muna.

o sya, mahaba na ito. 'gang sa muli :)

xoxo