Saturday, July 09, 2005

Sa Wakas!


Image hosted by Photobucket.com grabe! kain na naman ginawa ko ngayon . nagkita-kita kami nina chamie (together with his papa eric) and dyoonet dyan sa may shangrila and tumuloy kami sa Pizza Hut sa may Crossing. finally, natuloy din ang dinner date namin! isipin nyo ha, nag-resign na sila at lahat eh ngayon pa kami nagkasama-sama. oh well, masaya pa rin and it was nice seeing them again.



ganon pa rin mga muka namin, magaganda pa rin ... walang hihirit, blog ko to!

kulang yong oras sa chikahan namin. ayon, happy kaming lahat at may kanya-kanyang inaasikaso pero buti naman, nandon pa rin ang friendship namin. wish ko lang eh magkita-kita pa ulit kami kahit di madalas



anyways, here are pictures kanina:



chamie, dyoonet and rona



chamie and her papa eric



dyoonet at ako!



next time ulit ha, mga lola! i had a great time.



ingatz kayo lahat!



xoxo




Tuesday, July 05, 2005

rainy tuesday


-r0na-(13)
Originally uploaded by Nostalgic Girl.
it's a rainy tuesday.

i originally planned to go to the mall and check out prices for magicsing (yes, i'm gonna get one for meself) but then, i opted to stay at home and lay in bed. funny, i didn't get to sleep as much as i wanted to. i just kind of stared at the ceiling and tinkered with my phone.

sheesh! talk about nothing to do, huh!

well, there were actually a lot of things to do. it's just that the rain makes me not want to move and just stay in my room. it kind of makes me feel melancholic and reminisce on the past . the rain does that to me. but don't get me wrong. i like it when it rains. i just hate it when i have work and it gets sooo difficult to commute.

well, that's another story. for now, i'm gonna savor this rainy, restday of mine . anyways, waxing nostalgic every now and then keeps me attuned to my past and makes me look forward to the future with just so much anticipation.

by the way, here's a pic i've taken. i'm so ready to go to bed, don't you think?

ciao! off i snooze.

*bored*

it's my restday today . nothing much to do at home except sleep, eat and watch tv. in fairness, nakakatamad din kapag walang ginagawa. ayoko namang maglinis ng room ko kasi malinis naman yon (malamang, diba? hehe). tamad akong mag-mall kasi wala akong kasama tsaka gastos lang eh. gusto ko sanang mag-gig sa mayric's kaya lang di ko alam kung sino tutugtog tsaka ala pa rin akong kasama.


haaaay . times like these, nami-miss ko ang pagkakaron ng boyfriend. la lang . wala akong regular na kinukulit bukod sa family and friends ko . wala ring madalas kasama sa mall lalo na pag merong bagong movie. mga friends ko kasi me mga bf, you know. syempre sila magkakasama. hinahanap-hanap ko rin yong kilig moments over simple things.


yon lang. just wanted to get that out of my mind.


oh well, there's a reason for everything. anyways, i'm happy naman kahit mukhang magre-renew ako ng membership sa SMAP . di mo lam kung ano yan? try to find out for yourself
for the meantime eh enjoy muna ko. kahit bored ako minsan eh mas madalas naman akong masaya. i've a job, great friends, my family of course, and lots more. dami kong blessings na tinatanggap. guess i can't have them all at once.


adios! hanggang sa muli!

Sunday, July 03, 2005

Parokya ni Edgar...na naman!

may bago na naman akong encounter with Parokya ni Edgar . Nangyari yon nung June 27. Sakto namang off ko sa trabaho at meron silang gig dyan lang sa 70s Bistro.

ayon, ala nga kong balak tumuloy eh kaya lang tong si russell naman, utol ko, gusto raw manood. syempre ininggit ko na sila about sa fontana gig kaya ayon, gusto talagang manood.

punta naman kami. dumiretso na kami after namin mag-mall at ang damit ko, pang-mall lang talaga. as in naka-flip flops at cargo pants and racerback-t ako

hay. oh well, pagdating ng venue di naman pala ko masyadong na-OP . casual lang din damit ng mga tao tsaka maliit lang ang place but cozy. dama mo yong interaction ng bands sa mga tao kasi nga maliit lang ang lugar.

kainis lang kasi unplanned nga yong punta namin so di ko nadala digicam ko . buti na lang me camphone ako. nagamit ko yon to take videos pero alang pics kasi na-batt empty ako.

yong pagpunta ko sobrang memorable kasi nagkaron ako ng chance to make small talks with PnE members. as in lahat sila! saya! hihi! di ko nga lang nasabi name ko kasi na-overwhelm ako.

i'm sure me ibang chance pa. next time, sasabihin ko na talaga name ko kahit di tinatanong hahaha!

nipa-sign ko rin yong vcd nila ng inuman sessions vol. 1. it's a good buy. bili kayo ha! wag pirated hihi!

nice silang lahat sa fans . dapat lang kasi kami ang tumatangkilik sa music nila. tsaka i feel na sincere naman sila. nung pauwi na nga kami eh ask pa ko ni gab (guitars) kung ano raw sasakyan namin hehe pati si buwi (bass) ask din ako kung di ako napagod kakakuha ng video nila . sabi ko namimitig na nga binti ko eh hahaha pero kebs na. makita ko lang sila

haaay! i so like parokya ni edgar . siguro sasabihin ng iba OA na ko, na paroks na lang ata sentro ng buhay ko. well, di naman masyado hehe. la lang. ngayon lang ako todo-suporta sa isang banda and besides, they deserve it. they've been in the business for 10yrs and up to now, sikat pa rin sila. kasi naman, maganda ang music nila. humorous and nandon din ang love nila sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.

o sya. dito na lang kwento ko. pag me chance ako, puntahan ko rin gigs ng ibang local bands. gusto kong mapanood live ang session road, mojofly, hale, sponge cola at iba pa

ingats kayong lahat!