isang taon na naman
bukas, bertdey ko na. 27 na ko. ang bilis naman ng panahon. ayaw ko pang tumanda eh hehe.kadalasan pag malapit na dumating ang araw ko, nalulungkot ako. la lang. di ko rin alam kung bakit eh. basta pakiramdam ko, tumatanda ako na walang nagawang may saysay. parang nasa ganitong edad na ko pero di ko pa rin alam kung ano ang misyon ko. haaay. ayan, nagiging sentimental na ko. pasensya na ha at ganito lang ata talaga ang tumatanda hehe.
nga pala, merong konting salo-salo sa bahay namin. nag-imbita ko ng ilang kaibigan pero di raw sila makakapunta. nalungkot ako syempre kasi gusto ko sana makasama sila pero di naman pwede. natural lang naman na me kanya-kanyang prioridad. yong iba naman nalalayuan ata sa bahay namin. taga-novaliches kasi ako. di ko nga inimbita lahat ng kaibigan ko kasi gusto ko sana mga ka-opisina ko muna. lam nyo naman, mahirap pag sabay-sabay ang bisita. malilito ako kung sino ang uunahin ko. tsaka liit lang bahay namin. di kasya lahat hehe
meron namang mga pupunta pero bahala na lang kung sinong dumating. kaw, kung nabasa mo to at gusto mong pumunta, text mo at bigyan kita ng instructions kung pano pumunta sa min hahaha! meron namang pagkaing ihahanda kaya paniguradong di ka magugutom :)
o sya, mahaba na to. bukas ulit :)
ingatz lagi!