Sunday, December 31, 2006

happy new year

halos isang oras na lang at bagong taon na naman!

grabe, ang bilis ng panahon. daming nangyari sa buhay ko sa loob lang ng isang taon. nag-asawa ako, nagbuntis at nanganak. may mga naging problema pero ang mahalaga, nalampasan namin yon.

sa bagong taong darating, ano kaya ang naghihintay? kahit ano pa man yon, isa lang ang sigurado ako...kahit anong mangyari, magpapasalamat ako at dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan ko, lalo akong naging matapang. pag tinitingnan ko ang maamong mukha ng baby boy ko, pakiramdam ko kahit ano kaya kong gawin alang-alang sa kanya. lahat titiisin ko para sa mahal kong anak. hanggang ngayon nga di ko lubos maisip kung pano ko nailabas sa mundo ang munting anghel ko :) tingnan nyo na lang ang picture nya at panigurado maga-agree kayo :)

Jeremy's pics 041

kaya sa ating lahat, hangad ko ang isang manigong bagong taon! ano man ang dalhin sa tin ng darating na taon, magpasalamat tayo at binigyan tayo ng pagkakataon ni Jesus na i-enjoy ang isa pang taon sa ating mga buhay. at eto totoo talaga, kahit ano pang problema ang ibigay Nya sa tin, sure ako na gagawa rin Sya ng paraan para makayanan natin yon :)

Happy New Year sa lahat! God bless us all!

xoxo

p.s. happy new year, daddy and baby :) sobra akong thankful at magkakasama tayo. mahal na mahal ko kayo. kayo ang kayamanan ko :)