Thursday, December 20, 2007

Happy 1st Birthday, Jeremy!

HAPPY 1st BIRTHDAY, JUSTIN JEREMY!



Wow, 1yr. old na bibi pinchy ng momi at dadi :)



Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na pala mula nung nagpumilit kang lumabas kahit di pa dapat hehehe! Dati, ang liit mo, para kang isang loaf ng gardenia pero ngayon, big boy na, kulit-kulit pa :)

Anak, wish namin ni Dadi para sa yo lumaki kang mabait na bata. Alam kong kukulit at lilikot ka pa pero sana makikinig ka pag pinagsabihan ka ng nakatatanda. Para rin sa yo yan. Gusto rin sana namin makatapos ka ng pag-aaral mo. Kahit anong kurso ang gustuhin mo, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para maibigay yun sa yo. Marami pa kaming gusto para sa yo. Syempre all the best para sa aming unico hijo :)

Paglaki mo at nakakabasa ka na, sana buhay pa ang blog na to para makita mo tong message namin, or kahit friendster pwede na rin :) Excited na kong marinig ang mga bida mo paglaki mo pero sa ngayon, baby ka pa rin namin ni Dadi. Kakargahin pa rin kita pag naglalambing ka kahit sumasakit na ang balakang ko hahaha! Tabi pa rin tayo matulog kahit na sobrang likot mo katabi. At syempre laro pa rin tayo ng habulan, actually gapangan kasi gumagapang ka :)

We love you so much, Jeremy!

Again, happy 1st birthday! Mwaaah!

xoxo

Mom and Dad

Labels: