Friday, April 11, 2008

Beachy

Hohum...inaantok na ko. Aga pa nga pasok ko bukas eh. Di bale last day na ng campaign namin sa isang outbound account. Makakapahinga na rin pero naman, 14hrs ako tomorrow sa shift. Grabe, wish ko lang di maglabasan ang mga sumpa sa mukha ko hahaha!

Nagpunta kong SM kanina at syempre pa dami na talagang stuff for summer! Excited na ko! Gusto ko mag-beach! Pero syempre di pa namin napa-finalize kung kelan kami aalis at kung san ba kami patungo hahaha! Laki ng problema. Anyways, hopefully before matapos ang taon este April makaalis din kami hehehe! Wish ko lang. Siguro sa Subic na lang kami para di naman haggard ang byahe.

Pinigilan ko ang sarili ko na bumili ng beach wear kasi gusto ko pag sure na tsaka na bumili at baka mausog. Tsaka ano ba yun, puro pang-payat naman yung mga binibenta parang na-OP ako :D

O sya, magbu-beauty sleep na ko at work work na naman bukas.

Happy weekend!

xoxo

ps. i love you, dadi and pinchy!

Wednesday, April 09, 2008

Ang ineeeet!


DSC01906
Originally uploaded by Nostalgic Girl
Good day!

Sana ok lang kayo kahit na napaka-init ng panahon. kababalik lang namin ni Pinchy and his yaya Nida from grocery. Namili lang ako ng ilang maluluto til mag-sweldo next week. Tagal naman ng sweldo! hehehe :D

Kahapon nasa sm fairview kami, nagpalamig at kumain sa kfc. grabe sobrang na-miss ko yun! syempre pa fully loaded meal ang order ko hahaha! di na nga kami nag-dinner kasi mga 4pm na kami kumain. Pagkatapos kumain, nag-arcade pa kami sa Tom's World. Naka-save na sa card yung mga naipon naming ticket and sobrang 2005 pa ata yung mga yun hehe pero inipon ko nga kasi gusto ko magandang stuff naman ang ma-redeem.

Nagtitingin-tingin ako dun sa counter nila and napansin ko yung gucci watch. Yung pede palitan ang strap and dial. Me extra pang shades. Di ko pinalampas hahaha! 2000 tickets yun eh pero we only had almost 1800 kaya sabi ni Dadi play pa raw kami. At nakuha ko nga yung set! Oh ha! Cutie naman, db. Tingnan nyo yung pic. In fairness, naaliw talaga ko and pagdating ng bahay, mega-try na ko sa lahat ng combination hahaha! Adik!

Sige, kinwento ko lang yun hehe! Back to work muna ko at meron pa ko mga kelangan tapusin.

Sa uulitin!

xoxo

ps. i love you dadi and pinchy!

Tuesday, April 08, 2008

Updates! Updates!


jeremy
Originally uploaded by Nostalgic Girl
hey y'all!

i'm back and i can't believe this is my first entry for April. I hope everybody's doing fine and I'm sure you are all planning for summer getaways or something. it's suuuuper hot kasi as in effing hot! napipilitan tuloy akong maligo hahaha! joke lang ha! naliligo naman ako pag bday ko! hahaha! tama na nga at baka maniwala na kayo :P

anyways, si Pinchy magwa-1yr and 4mos na this april. naku pinakalbo ko kasi ang haba ng hair nya tsaka nagkaka-bungang araw na sya sa init. tapos nahirapan din yung barber sa paggupit sa kanya kaya yun, sabi ko i-semikalbo na lang. at syempre ang tatay, nainggit sa dyunakiz. ayun, pareho silang bokal :D

--

ako naman nagka-allergy na ko sa init at pawis :( naku, malaki rin ang nagastos ko sa mga gamot pero ok na rin. sobrang hirap kaya nun. as in nangati buong katawan ko and nagka-rashes. siguro mga almost 2wks akong ganun. buti na lang unti-unting nawala pero ngayon i just make it a point na di ako pawisan or maarawan kasi yun nagti-trigger ng rashes. minsan na lang ako mangati at basta merong electric fan (aircon nga for life dapat ang sabi ng derma!) na nakatutok sa mukha ko, solb na :)

--

finally matutuloy na ata ang much-awaited get together namin ng Mean Girls. tentative date ng dinner namin is on april 18. sana sa trinoma na lang para malapit pero bahala na kung san tutal meron namang hush si apol. lola, pasakay ha! excited na ko! shirlz, me utang kang kwento hehe. une, ano na updates sa wedding plans nyo ni dennis?

i'll see you girls real soon!

--

hay kelangan ko ng maraming pera. yung kasya pang-la union tapos after swimming namin dun diretso baguio na. saya, db! plan namin yan and sana nga magka-budget kasi syempre i want to bring along my family. kami pa lang ni bong ang nakapunta sa baguio eh. makalayo man lang pansamantala sa sobrang init dito sa manila. first time ni pinch nun if ever sa baguio and for sure magugustuhan nya kasi pawisin iyon tsaka baka sakaling magamit nya jacket and jogging pants nya kasi baka makalakhan na nya di man lang nya naisuot once hahaha! grabe, ang bilis lumaki ng baby ko. mabigat na sya kargahin buti kaya pa ng taga-alaga nya. kaloka hehe!

--

o sya, dami kong kwento hehe. pambawi lang kasi sobrang di ko na nabigyan ng atensyon ito. sa mga susunod na araw, dadalasan ko na ulit ang pagpo-post.

take care everyone!

xoxo

--

p.s. i love you dadi and pinchy!